IBINASURA ng Korte Suprema ang kasong murder na isinampa ng isang biyuda laban sa 21 pulis na iniuugnay sa pagkamatay ng kanyang asawa at anak sa isang buy-bust operation noong Setyembre 2016.
Sa 22-pahinang desisyon dinismis ng Ikatlong Dibisyon ng Kataas-taasang Hukuman ang petisyon ni Mary Domingo para sa kasong murder..
Gayunman, pinagtibay ang joint resolution noong Enero 15, 2020 at Marso 8, 2021 joint order ng Office of the Deputy Ombudsman for the Military and Other Law Enforcement Offices (OMB-MOLEO) na may probable cause para kasuhan ang apat sa 21 pulis ng dalawang bilang ng homicide.
Napatunayan ding guilty ng grave misconduct ang apat na pulis at ginawaran ng suspensiyon sa serbisyo ng isang taon at walang sahod.
Samantala, limang pulis naman ang napatunayang guilty ng simple neglect of duty at sinuspinde ng isang buwan habang 11 naman ang dinismis sa serbisyo,
“The Court finds that the OMB-MOLEO’s determination of probable cause was consistent with the basic precepts of criminal law and based on the evidence presented during the preliminary investigation,” anang kautusan ng korte.
“Thus, the assailed Joint Order and Joint Resolution were not tainted with grave abuse of discretion as there was no indication that these were issued capriciously, whimsically, arbitrarily, or in a despotic manner,” saad pa sa ruling.
Noong Marso 2017, nagsampa ng reklamong robbery, two counts of murder, gross misconduct, grave abuse of authority, gross oppression, at conduct unbecoming of a public officer si Domingo sa Ombudsman laban sa naturang mga pulis.
Ayon kay Dumingo, pinasok ng isang grupp ng mga armadong pulis ang kanilang bahay noong Seteymbre 14, 2016 diretso sa ikalawang palapag ng kanilag tahanan.
Sapilitan umanong pinababa siya at ang kanyang mga anak hanggang nang paglingon niya ay nakita umano niya ang kanyang mister na nakaluhod at may nakatutok na baril sa ulo habang ang anak naman ay nagmamakaawa sa mga pulis.
Makalipas ang ilang sandal ay nakarinig umano siya ng sunud-sunod na putok ng baril.
Pinasinungalingan ng misis na sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga ang kanyang mag-ama.
Sa ruling, sinabi ng Korte Suprema na walang malinaw at nakakukumbinsing ebidensiya na ang operasyon ng mga pulis ay para patayin ang dalawang biktima.
Idinagdag pa ng Korte Suprema ang pag-amin ni Domingo na hindi niya aktuwal na nakita ang pagbaril sa kanyang asawa at anak.

INTERPOL ISSUES RED NOTICE VS ATONG ANG
ZALDY CO ARRESTED IN PRAGUE, CZECH REPUBLIC
CHIZ: USE 14B WINDFALL FROM VAT ON FUEL FOR AYUDA
PCO FILES COMPLAINTS VS 3 FB ACCOUNTS OVER FALSE CLAIMS ON PRESIDENT MARCOS’ HEALTH
GOV’T LAUNCHES TUPAD TULOY PASADA PROGRAM TO SUPPORT TRANSPORT WORKERS
PALACE STUDIES PROPOSAL TO SUSPEND PENSION PREMIUM CONTRIBUTIONS
NEGROS COPS’ 1-DAY OPERATION NETS P55.8-M ILLICIT CIGARETTES