KINUPIRMA ng aktres na si Cristine Reyes na annulled na ang kanilang kasal ng kanyang dating mister na Ali Khatibi.
Ginawa ng 34-anyos na aktres and kumpirmasyon sa isang interbyu ng beteranong host na si Boy Abunda.
Nang tanungin ni Abunda si Cristine ay walang kaabog-abog itong sumagot ng: “Matagal na Tito Boy. Yes po, like more than a year.”
“Kasi, Tito Boy, hindi ko naman siya inannounce eh. It’s not something I should celebrate,” dagdag pa ng aktres na nagkaanak ng babae sa kanyang dating asawa.
Matatandaang si Cristine at ang dati nitong mister ay ikinasal noong Enero 2016.
Noong 2019, kumalat ang balita sa social media na naghiwalay na sila.
Ang aktor na si Marco Gumabao ang sinasabing karelasyon ngayon ng aktres.

SM MALLS HOST BTS ARMY CELEBRATIONS
LEA SALONGA CONFIRMS SEPARATION FROM HUSBAND ROBERT CHIEN
LAWMAKER URGES PUBLIC TO WATCH ‘I’MPERFECT’
LOINIE EXPECTING FIRST BABY
‘I’M PERFECT’ MAKES HISTORY AT MMFF 2025
POKWANG APOLOGIZES FOR BROTHER WHO SLAPPED MAN WITH CART IN ANTIPOLO
4 NABBED FOR ILLEGAL SALE OF DIESEL IN TARLAC
5 DETAINEES DIE IN POLICE CAR CRASH IN QC
GATCHALIAN BILL SEEKS SOCIAL MEDIA BAN FOR MINORS UNDER 16
PRESIDENT MARCOS TO MAKE STATE VISIT TO JAPAN IN MAY