INAPRUBAHAN ng House of Representatives sa huling pagbasa ang panukalang naglalayong palawigin ng mula tatlo hanggang limang taon ang validity ng Professional Regulation Commission (PRC) ID cards at registration certificates.
Ang House Bill No. 9764 ay lumusot na sa plenaryo nitong Miyerkules.
Kabuuang bilang na 234 mambabatas ang bumoto pabor sa panukala habang wala namang tumutol.
Ayon sa mga kongresista, ang hakbang ay makapagpapabawas sa bilang ng taunang renewal transactions at magpapagaan sa pressure ng PRC appointment system.
Ang panukala ay pangunahing inakda nina House Committee on Civil Service and Professional Regulation chairman at Bohol Rep. Kristine Alexie Tutor, Parañaque Rep. Edwin Olivarez, Ilocos Norte Rep. Angelo Marcos Barba at Northern Samar Rep. Paul Daza.
Inilarawan ni Tutor ang bill na “non-controversial” kasabay ng pahayag na kumpiyansa siyang ipapasa rin ito ng Senado.
Ayon pa sa Bohol solon, aabot sa isang milyong propesyonal ang makikinabang sakaling maisabatas ang panukalang ito.
Dagdag pa ng mamababatas na alinsunod din ito sa pagtalima sa Ease of Doing Business at Anti-Red Tape Law.

JINGGOY ESTRADA SURRENDERS TO CIDG
GAWAD KALINGA FOUNDER ARRESTED
BLUE RIBBON COMMITTEE TO RESUME FLOOD CONTROL PROBE ON JUNE 4 – CAYETANO
SANDIGANBAYAN ORDERS ARREST OF JINGGOY ESTRADA, BONOAN
DOT, DMW, INTRAMUROS ADMINISTRATION LAUNCH ‘PASYAL PAMILYA’ PROGRAM FOR OFWs
19,000 NURSING, ALLIED HEALTH SCIENCES STUDENTS TO GET P25K RLE FINANCIAL AID — BAM
STL BOOKIE OPERATOR ARRESTED WHILE COLLECTING BETS AT TARLAC PUBLIC MARKET
P841-M FAKE PERFUMES, LOTIONS SEIZED IN VALENZUELA