SINIMULAN mismo ni Transportation Secretary Vince Dizon ang crack down sa mga ilegal at overcharging na taxi sa NAIA nitong Sabado ng umaga.
Ang inspeksyon ay kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na siguraduhing hindi pinagsasamantalahan ng mga taxi ang mga pasahero sa airport.
Dalawang airport taxi ang nahuling pumapasada na colorum habang nandun mismo si Secretary Dizon.
Kasama ng Department of Transportation (DOTr) ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa operations sa NAIA at nahuli ang mga taxi kabilang na rito ang isa na may prangkisang pang-truck.
Sinabi ng DOTr na tuluy-tuloy ang operasyon na hulihin ang mga taxing nag-oovercharge at mga colorum sa airport.
Dagdag pa ni Dizon, kailangan matigil na itong pagsasamantala ng mga taxi driver at operator sa ating mga pasaherong bumabyahe mula sa airport.
Aniya, magagawa ito kung sila ay patuloy na huhulihin at papatawan ng mabibigat na parusa para matakot sila at tigilan na ang pangloloko sa mga pasahero.

LIBERAL PARTY TO EXPEL MEMBERS FOUND GUILTY OF CORRUPTION – PANGILINAN
‘INVESTIGATION CIRCUS’ ON CORRUPTION DAMAGING PH IMAGE ABROAD — CAYETANO
AGRI TRUCKS, PUVs TO ENJOY 90-DAY TOLL REPRIEVE AS CAVITEX IMPLEMENTS NEW RATES
KUYA KIM ATIENZA’S DAUGHTER EMMAN PASSES AWAY AT 19
KANLAON VOLCANO ERUPTS
HUNGARY OFFERS MORE JOBS FOR FILIPINOS UNDER GUEST WORKER PROGRAM
LOLO DIES AFTER SAVING GRANDCHILDREN IN MARIKINA FIRE
WOMAN FOUND SLAIN INSIDE CHURCH IN CEBU
GRADE 2 STUDENT RAPED, HEAD SLAMMED AGAINST WALL IN MABALACAT
ARCHIE ALEMANIA FOUND GUILTY OF ACTS OF LASCIVIOUSNESS