NI LEX MANALO
MARIING itinanggi ng dalawang environmental activists na sumuko sila sa mga awtoridad at sa halip ay sinabing dinukot sila ng mga militar.
Ayon kina Jhed Tamano, 22, at Jonila Castro, 21, na naunang iniulat na nawawala, kinidnap umano sila ng mga sundalo.
Ang pahayag ng dalawa ay labis na ikinagulat ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na mismong nag-organisa ng press conference nitong Martes sa Plaridel, Bulacan.
Trinaydor ang naging pakiramdam ng NTF-ELCAC sa ginawang pagbaligtad ng dalawang environmentalist.
Ayon kina Tamano at Castro, pinarahan sila ng isang van at pilit silang pinasakay ng mga nagpakilala umanong mga sundalo. Puwersahan din umano silang pinalagda sa isang dokumentong naglalahad ng kanilang diumano’y pagsuko
“Ang totoo po ay dinukot kami ng mga militar sakay ng van. Napilitan din kami na sumurrender dahil pinagbantaan’ yung buhay namin. ‘Yun po ang totoo,” ani Castro ng AKAP Ka Manila Bay, isang grupo na tumututol at nagpapatigil sa mga reclamation project sa Manila Bay.
Sinabi naman ni Tamano, coordinator ng Ecumenical Bishops Forum, na naglalakad sila ni Castro nang bigla silang hablutin.
“May tumigil pong SUV sa harap namin tapos dinukot po kami. Pinilit kami pasamahin sa kanila. ‘Yun din po ‘yung totoo. Akala po namin sindikato, pero kilala po nila kami.”
“Hindi rin namin ginusto na mapunta kami sa kustodiya ng mga militar. Hindi rin totoo ‘yung laman ng affidavit dahil ginawa ‘yon, pinirmahan’yun sa loob ng kampo ng militar. Wala na kaming magagawa sa mga pagkakataon na ‘yun,” ani Castro.
Tasahan namang itinanggi Lt. Col. Ronnel Dela Cruz, commander ng 70th IB ang nasabing akusasyon.
“Ang pinanghahawakan po namin ngayon, kasi pumirma po sila ng kustodiya,” ani Dela Cruz.
Nanindigan din si NTF-ELCAC Secretariat director Alex Umpar sa imbestigasyon ng pulisya na boluntaryong sumuko ang dalawa na sinasabing kapwa organizer ng communist front organizations.
Nauna rito, lumabas ang ulat na dinukot ang dalawang aktibista sa Orion, Bataan noong Setyembre 2, 2023.
Nitong Setyembre 12 naman nang maglabas ng ulat ang NTF-ElCAC na sumurender sina Tamano at Castro sa 70th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan

STL BOOKIE OPERATOR ARRESTED WHILE COLLECTING BETS AT TARLAC PUBLIC MARKET
PNP-CIDG, NBI FAIL TO FIND ICC-WANTED DELA ROSA IN ANGELES CITY
OVER 200 WANTED MEN JAILED IN WEEKLONG INTENSIFIED ANTI-CRIME OPERATIONS IN CENTRAL LUZON
9-STOREY BUILDING IN ANGELES COLLAPSES; MALAYSIAN DEAD, 23 MISSING
FIRE LEAVES ELDERLY COUPLE DEAD IN BULACAN
VEHICLE STOPPED AT LUBAO CHECKPOINT YIELDS ILLEGAL CIGARETTES
GAWAD KALINGA FOUNDER ARRESTED
P841-M FAKE PERFUMES, LOTIONS SEIZED IN VALENZUELA
BLUE RIBBON COMMITTEE TO RESUME FLOOD CONTROL PROBE ON JUNE 4 – CAYETANO