Ni LEX MANALO
TIMBOG sa isang entrapment operation ang dalawang miyembro ng Bacoor City Police Station sa Cavite at ang kasabwat ng mga itong sibilyan na inakusahang tumatanggap ng P130,000 kada buwan na “payola” mula sa isang grupo ng pampublikong transportasyon at mga tsuper sa lungsod.
Kinilala ni Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group chief Maj. Gen. Romeo M. Caramat Jr. ang mga nasakote na sina Senior Master Sgt. Joselito Bugay, Police Staff Sgt. Dave Gregor Bautista at ang sibilyan na si John Louie de Leon na umano’y tumatayong “tong collector” ng mga pulis.
Isinagawa ang entrapment operation sa Fil Oil at PTT Gasoline Stations sa Molino Road kanto ng Molino Boulevard sa Bgy. Molino, Bacoor City ganap na alas- 11:30 ng umaga nitong Martes.
Ang isa pang suspect na kinilalang si Edralin Gawaran na umano’y kaanak ni PSSgt. Bautista at kasalukuyang hepe ng Bacoor City Traffic Management Department ay nagawang makapuslit sa bitag.
Ikinasa ang paghuli matapos na isang driver sa
Bacoor City ang nagtungo sa tanggapan ng CIDG National Capital Region Field Unit noong Lunes at inireklamo ang umano’y pangongotong ng mga suspect.
Ayon sa biktima, nagbibigay sila sa mga akusado ng
P130,000 buwanang “payola” mula pa noong Pebrero ng taong ito kung saan hinahati ito kada kinsenas o P65,000 tuwing akinse at katapusan ng buwan.
Gayunman, kamakailan ay sinabihan umano ang mga driver ni PMSgt. Bugay na kailangang gawing P170,000 ang “protection money” dahil patuloy umano ang pagdami ng mga pasahero ng van.
Ang “protection money” ay upang hindi hulihin ang mga namamasadang driver.
Nagbanta pa umano si Bugay na ito na ang mamamahala sa terminal kung hindi masusunod ang kanyang gusto
Agad na nagkasa ng operasyon ang mga operatiba ng CIDG para dakpin ang mga akusado.
Narekober sa operasyon ang entrapment money, ilang mga baril at apat na cellphone.
Ang mga dinakip na suspect ay dinala sa
CIDG Southern Metro Manila District Field Unit Office para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.
Samantala, ang dalawang nasakoteng pulis ay nahaharap naman sa kasong administratibo na grave misconduct.

MOST WANTED FOR CHILD ABUSE IN TARLAC NABBED
2 PRO3 SENIOR OFFICERS GET HIGHER RANK
ILLEGAL GAMBLING CRACKDOWN JAILS 7 IN TARLAC
CL COPS ARREST 19, SEIZE P100-M ILLICIT CIGARETTES IN BULACAN
PRO12’S INTENSIFIED OPERATIONS SEND TO JAIL 7 DRUG TARGETS
PRO3 WEEKLONG OPERATIONS NET 27 SUSPECTS, P4.9-M SMUGGLED CIGARETTES