NAGSUSPINDE ng klase ang ilang mga paaralan sa Batangas at Cavite ngayong biyernes (Setyembre 22) bunsod ng epekto ng volcanic smog o vog mula sa Bulkang Taal.
Ang fog ay binubuo ng volcanic gas tulad ng sulfur dioxide (SO2) na acidic at maaari umanong magdulot ng iritasyon sa mata, lalamunan at respiratory tract.
Walang pasok sa lahat ng antas pampubliko at pribado sa mga bayan ng Lian, Calatagan, Tui, Lemery, Nasugbu, Taal at Balayan sa lalawigan ng Batangas at Alfonso, Amadeo, Bacoor City, Cavite City. Damariñas City, General Emilio Aguinaldo , General Mariano Alvarez, General Trias, Imus, Indang, Kawit,Magallanes, Maragondon, Mendez, Naic, Noveleta, Rosario, Silang, Tagaytay City,Tanza,Terate atTrece Martires sa Cavite.
Ilang mga paaralan sa mga bayan ng Agoncillo, Laurel at lungsod ng Tanauan sa Batangas ang nagpasyang magsagawa na lamang ng modular distance learning o alternative delivery mode (ADM) upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga estudyante.
Sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naobserbahan ang pagbuga ng usok at gas mula sa bunganga ng bulkan mula ng unang linggo ng buwan ng Setyembre.
Base sa advisory na ipinalabas ng Phivolcs ng alas 5:30 ng hapon nitong Huwebes, muli itong nagbuga ng volcanic smog at higit itong kumapal pagsapit ng gabi.
Ayon sa ulat, mahigit 40 estudyante ang dinala sa iba’t ibang pagamutan sa Tuy, Batangas makaraang dumaing ng pananakit ng lalamunan, pangangati ng balat at paninikip ng dibdib o hirap sa paghinga dahil sa epekto ng volcanic smog na hatid ng “increased activity” ng Bulkang Taal.
Sa pahayag ni Dr. Amor Calayan, pinuno ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), mahigit dalawang linggo nang nakaaapekto ang smog sa mga bayan sa lalawigan.
Ang PDRRMO ay namahagi na ng oximeters, thermometers at N-95 face masks sa mga bayang malapit sa Bulkang Taal.
Pinayuhan ng health authorities ang publiko na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan para makaiwas sa increased volcanic gases mula sa Bulkang Taal.
Kung hindi umano maiiwasang lumabas ng bahay ay magsuot ng facemask.
Ang Taal Volcano ay nananatili sa Alert Level 1 o abnormal na kondisyon at may potensiyal pa rin ng pagsabog.

MOST WANTED FOR CHILD ABUSE IN TARLAC NABBED
2 PRO3 SENIOR OFFICERS GET HIGHER RANK
ILLEGAL GAMBLING CRACKDOWN JAILS 7 IN TARLAC
CL COPS ARREST 19, SEIZE P100-M ILLICIT CIGARETTES IN BULACAN
PRO12’S INTENSIFIED OPERATIONS SEND TO JAIL 7 DRUG TARGETS
PRO3 WEEKLONG OPERATIONS NET 27 SUSPECTS, P4.9-M SMUGGLED CIGARETTES