NI LEX MANALO
LABING-ISANG mag-aaral ang isinugod sa ospital matapos umanong kumain ng homemade chocolate candy na binili sa labas ng kanilang paaralan sa Asturias, Cebu.
Ang mga biktima ay pawang mga estudyante ng Manguiao Elementary School sa Bgy. Manguiao sa bayan ng Asturias.
Batay sa report, ang mga batang biktima ay nakaranas ng pananakit ng tiyan at pagsusuka habang ang iba naman ay nawalan ng malay nang makakain ng homemade candy na kung tawagin ay “kinumot.Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of Health Central Visayas (DOH 7) hinggil sa pangyayari.
Kumuha na rin ng sample ng mga homemade candy na sinasabing kinain ng mga bata para isailalim sa laboratory test.Kaugnay nito, nanawagan ang DOH 7 sa publiko na mag-ingat sa pagbili ng mga pagkain at maging mapanuri sa wastong paghahanda ng pagkain na kanilang binibili.

MOST WANTED FOR CHILD ABUSE IN TARLAC NABBED
2 PRO3 SENIOR OFFICERS GET HIGHER RANK
ILLEGAL GAMBLING CRACKDOWN JAILS 7 IN TARLAC
CL COPS ARREST 19, SEIZE P100-M ILLICIT CIGARETTES IN BULACAN
PRO12’S INTENSIFIED OPERATIONS SEND TO JAIL 7 DRUG TARGETS
PRO3 WEEKLONG OPERATIONS NET 27 SUSPECTS, P4.9-M SMUGGLED CIGARETTES