ANIM na barko ng Philippine Navy ang tagumpay na nakapaglunsad ng kanilang third quarter gun test firing at capability demonstration itong nagdaang weekend sa karagatan ng Basilan.
Sa isang social media post, sinabi ng PN na ang BRP General Mariano Alvarez (PS-38), BRP Nestor Acero (PG-901), BRP Domingo Deluana (PG-905), BRP Florencio Iñigo (PC-393) at ang kanilang kauna-unahang Boat Attack Division’s BA-485 at BA-487 ang lumahok sa pagsasanay.
Isinagawa ang firing exercises five nautical miles southeast ng karagatan ng Dasalan Island, Basilan nitong September 23.
Kabilang sa ginawa ang live-gunnery exercises, swarming tactics at coordinated maneuvers na layong alamin ang kakayahan ng naval weaponry at overall operational capabilities ng mga lumahok na sasakyang pandagat.
Layon din ng pagsasanay na alamin ang husay ng kanilang gun crew at fire control operators ng mga barko ng Hukbong Dagat ng Pilipinas.

MOST WANTED FOR CHILD ABUSE IN TARLAC NABBED
2 PRO3 SENIOR OFFICERS GET HIGHER RANK
ILLEGAL GAMBLING CRACKDOWN JAILS 7 IN TARLAC
CL COPS ARREST 19, SEIZE P100-M ILLICIT CIGARETTES IN BULACAN
PRO12’S INTENSIFIED OPERATIONS SEND TO JAIL 7 DRUG TARGETS
PRO3 WEEKLONG OPERATIONS NET 27 SUSPECTS, P4.9-M SMUGGLED CIGARETTES