
MULING nag-update si Kris Aquino ng tungkol sa kanyang health journey, gayundin ang tungkol sa kanyang lovelife.
Sa kanyang paglilinaw ukol sa patuloy na pagdawit sa kanyang pangalan kay Vice Governor Mark Leviste, ito ang kanyang pahayag: “My sisters urged me to make my current status very CLEAR.”
” I AM NOT IN A RELATIONSHIP, we no longer communicate, and my sons and i feel more PEACEFUL.
“No details because i value my privacy and respect his, and i chose to only give the FACTS that should be addressed,” paliwanag ni Kris sa kanyang social media post.
Nagpasalamat din siya sa mga taong patuloy na nagpe-pray para sa kanyang tuluyang paggaling.
Say ni Kris kanyang post: “THANK YOU for your continued PRAYERS, i don’t have my complete blood panel results yet BUT GUMANDA my inflammatory numbers in particular my C-reactive protein and my E-sedimentation rate. i don’t know what good i did but i know i’m surviving all the side effects of methotrexate and my biological injectable because God is listening to all your prayers for my healing. #faith “
“Hopefully in the next few days i’ll have my IgE, IgG, IgM and ANA results. (As usual, please google?) Wag na natin discuss my CBC, as always i’m still very anemic (it’s been a problem even before my autoimmune conditions were diagnosed)…”
Dagdag pa ni Kris na nagdarasal siya na within 18 to 20 months ay hindi na siya magkaroon ng remission and after 6 months, makakauwi na siya kung bibigyan siya ng clearance ng kanyang mga doktor.
“I miss my sisters, my cousins, my 🇵🇭doctors, my close friends, and of course all of you… It’s already been 16 months,” say pa niya.
Idiniscribe din ni Kris kung saan siya kasalukuyang tumutuloy: “We’re already settled in our rental home – location wise, this is my long wished for vibe – we have a pool in the back with an unobstructed view of the blue sea and with this super fresh, cool sea breeze… plus we’re only 10 minutes away from 1 of my doctors.”
Sana nga ay maging tuluy-tuloy na ang pagbuti ng kalusugan ni Kris.
At sa Team Mark Leviste dyan, well…