IPINAG-UTOS ng Navotas City Regional Trial Court (RTC) ang pagdakip sa anim na pulis na isinasangkot sa pagkamatay ng 17-anyos na si Jerhode Jemboy Baltazar sa isang kaso ng mistaken identity.
Sa kautusang ipinalabas nitong Martes, Oktubre 3, 2023 ngunit isinapubliko lamang itong Miyerkules, sinabi ni RTC Branch 286 Judge Pedro Dabu Jr. na nakakita ang korte ng sapat na dahilan para mag-isyu ng warrant of arrest laban kina Executive Master Sgt. Roberto Dioso, Cpl. Edmard Blanco, Pat. Benedict Mangada, at Staff Sgts. Gerry Maliban, Antonio Bugayong, Jr., at Nikko Esquillon.
“Considering that the accused stand charged with murder, they are not entitled to bail as a matter of course,” anang kautusan ng korte.
Isinampa ng Navotas City prosecutors ang reklamong murder laban sa mga suspect na pulis noong Setyembre 15.
Nauna nang inaprubahan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang rekomendasyon ng Philippine National Police-Internal Affairs Service’s (PNP-IAS) na sibakin sa serbisyo ang anim na parak dahil sa pagkamatay ni Baltazar.
Matatandaang noong Agosto 2, naglunsad ng operasyon ang mga naakusahang pulis laban sa isang murder suspect nang matiyempuhan nila sa Baltazar na noon ay sakay ng isang bangkang pangisda.
Inatasan ng mga pulis si Baltazar at ang kasama nito na sumuko subalit tumalon ang biktima sa ilog dahilan upang putukan ito ng mga awtoridad.
Bandang huli ay inamin ng mga akusado na hindi si Baltazar ang tinutugis nilang suspect kungdi isang Reynaldo Bolivar.

PUBLIC WARNED VS ‘BIRTHDAY CAKE MODUS’
MUNTINLUPA FORMER COUNCILOR KILLED IN PLANE CRASH
NBI DISMANTLES ILLEGAL MAKATI CLINIC
MISSING GRADE 9 FEMALE STUDENT FOUND DEAD IN PASIG CITY
P1-B WORTH OF ILLICIT VAPE PRODUCTS SEIZED IN NAVOTAS
NBI ARRESTS FAKE NOTARY PUBLIC IN LAS PIÑAS STING
MOST WANTED FOR CHILD ABUSE IN TARLAC NABBED
2 PRO3 SENIOR OFFICERS GET HIGHER RANK
ILLEGAL GAMBLING CRACKDOWN JAILS 7 IN TARLAC
CL COPS ARREST 19, SEIZE P100-M ILLICIT CIGARETTES IN BULACAN