INIUTOS na ni PANGULONG Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatigil sa pagpapatupad ng Executive Order 39 o ang pagpapataw ng mandated price ceiling sa regular milled at well-milled na bigas.
Inihayag ni Marcos ang kanyang desisyon habang namamahagi ng bigas sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Taguig City noong Miyerkules.
“I think it’s the appropriate time since namimigay tayo ng bigas. Sa ngayon, tinataas na natin ang mga takip ng presyo sa bigas, para sa regular na giniling na bigas at para sa well-milled na bigas. So, tinatanggal na natin ‘yung mga kontrol, ” pahayag ng Pangulo sa media.
Ang anunsyo ni Marcos ay ginawa ng Pangulo no isang araw matapos irekomenda ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtatanggal sa mandatory rice price ceilings sa isang sectoral meeting sa Malacañang.
Ang EO 39, na nagkabisa noong Setyembre 5, ay nagpapataw ng price cap na P41 kada kilo sa regular milled rice at P45 kada kilo sa well-milled rice.
Sa kabila ng pag-alis ng EO 39, sinabi ni Marcos na kailangan pa ring tugunan ng gobyerno ang isyu ng pagtaas ng presyo ng bigas sa Metro Manila.
“Noong tinitignan naming kahapon ‘yung statistics, ang problema talaga ay dito sa NCR, dito mataas at presyo ng bigas.
“But that’s natural dahil nasa city tayo. Matagal bago dumating ang bigas dito at nagiging mahal and transportation, storage, processing fee. Dahil doon kaya naman tumataas and presyo dito sa NCR.
“Matagal pa dumating ang bigas dito at mahal na ang transportation, storage, at processing fees. Tumataas ang presyo dito sa NCR dahil diyan,” dagdag pa ng Pangulo.

GAWAD KALINGA FOUNDER ARRESTED
BLUE RIBBON COMMITTEE TO RESUME FLOOD CONTROL PROBE ON JUNE 4 – CAYETANO
SANDIGANBAYAN ORDERS ARREST OF JINGGOY ESTRADA, BONOAN
DOT, DMW, INTRAMUROS ADMINISTRATION LAUNCH ‘PASYAL PAMILYA’ PROGRAM FOR OFWs
19,000 NURSING, ALLIED HEALTH SCIENCES STUDENTS TO GET P25K RLE FINANCIAL AID — BAM
SENATOR CALLS FOR P1,500 MONTHLY SUBSIDY FOR 5M MINIMUM WAGE EARNERS
STL BOOKIE OPERATOR ARRESTED WHILE COLLECTING BETS AT TARLAC PUBLIC MARKET
P841-M FAKE PERFUMES, LOTIONS SEIZED IN VALENZUELA