NI BETH GELENA
MARAMING sumuporta sa Japanese movie na “Monster” na ang distributor ay ang Nathan Studios na pag-aari ng Atayde family at si Ria Atayde ang CEO.
Nakipag-collab si Lorna Tolentino sa Nathan noong mapanood nila ang movie sa Cannes Film Festival.
Noong October 3 ay nagkaroon ng red carpet premiere ang “Monster” sa Megamall Cinema 2.
Ang daming celebrities ang sumuporta sa nasabing Japanese film.
Naroroon ang cast ng “Senior High” na sina JK Labajo, Elijah Canlas, Mon Confiado, Angel Aquino, Alma Concepcion, Jeffry Santos, Beks Battalion, Ara Mina and a lot more.
Dumating din ni Ynez Veneracion kasabay si Mon.
Kaya tsnong ng invited press: “Nagkabalikan ba kayo?”
Sagot ni Ynez: “Hindi. Sinama ko lang siya para suportahan ang movie.”
‘Saka magkaibigan naman kami. Magiliw kasi ang anak kong panganay kay Mon dahil anak na rin ang turing ni Mon sa kanya,” paliwanag ni Ynez.
Namataan din namin si Bayani Agbayani kasama ang misis na si Lenlen.
Nakakatuwa si Bayani dahil kahit saan kami magkita ay lagi siyang nagpapasalamat dahil sa aming naisusulat sa kanya.
Anyway, taliwas sa aming inaasahan na isa itong horror movie, pero may twist ang movie.
Kakaibang “Monster” ang pelikula, kaya ang masasabi lang namin sa moviegoers, huwag kukurap sa bawat eksena ng movie.
Kapupulutan ng aral ang “Monster” lalo na sa mga kabataan.
May kurot kasi sa puso ang pelikula.
Sa October 11 ang regular showing ng “Monster” sa mga sinehan nationwide.

ARCHIE ALEMANIA FOUND GUILTY OF ACTS OF LASCIVIOUSNESS
KUYA KIM ATIENZA’S DAUGHTER EMMAN PASSES AWAY AT 19
CUP OF JOE TO PERFORM LIVE AT ENCHANTED KINGDOM
GERALD ANDERSON, JULIA BARRETTO CALL IT QUITS
BRENT MANALO, MIKA SALAMANCA ARE PBB CELEBRITY COLLAB EDITION WINNERS
OPM ICON FREDDIE AGUILAR PASSES AWAY AT 72
DEATH TOLL FROM ‘TINO’ RISES TO 114, OVER 100 MISSING — OCD
PBBM DECLARES STATE OF NATIONAL CALAMITY DUE TO ‘TINO’ DEVASTATION; P760M FINANCIAL AID RELEASED TO TYPHOON-AFFECTED AREAS
SMC’S NORTHERN CEMENT CORPORATION WINS AT 2025 ASIAN WATER AWARDS
TEACHER SHOT DEAD BY RIDING-IN-TANDEM ARMED MEN IN NUEVA ECIJA