NI KEVIN GALANG
“DOUBLE cross” ang hinala ng pulisya na motibo sa ginawang pamamaslang sa isang vendor sa San Antonio, Nueva Ecija.
Sa ulat kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hildalgo Jr.,kinilala ang biktima na si Armando Fernando, residente ng Purok 3, Bgy. Maligaya, Cabiao, Nueva Ecija.
Base sa inisyal na imbestigasyon, sakay ang biktima sa motorsiklo patungong San Antonio nang pagsapit sa Purok 2, Pantoc sa Bgy. Buliran, dalawang lalaki na lulan din ng motor ang bigla na lamang sumulpot at pinagbabaril si Fernando sa ulo saka tumakas.
Itinakbo ng mga saksi ang bktima sa Cabiao General Hospital sa Cabiao, Nueva Ecija at pagdaka ay inilipat sa Nueva Ecija Medics Hospital sa San Isidro, Nueva Ecija kung saan ito idineklarang dead upon arrival.
Agad namang nagsagawa ng “Oplan Bakod” ang San Antonio police at kinordon ang crime scene habang sinusuri ang CCTV footages sa lugar para sa pagkilala sa mga salarin.
Onsehan sa droga ang tinitignang motibo ng pulisya sa pamamaslang makaraang matukoy na isa sa mga salarin ay kabilang sa listahan ng drug suspects sa bayan ng Cabiao kasama ang biktima.
“Parehong nakulong sa droga silang dalawa sa Cabiao at parehong nag-plea bargaining kaya nakalabas ng kulungan,” anang hepe ng pulisya sa bayan ng Cabiao na si Maj. Rommel C. Nabong.

MOST WANTED FOR CHILD ABUSE IN TARLAC NABBED
2 PRO3 SENIOR OFFICERS GET HIGHER RANK
ILLEGAL GAMBLING CRACKDOWN JAILS 7 IN TARLAC
CL COPS ARREST 19, SEIZE P100-M ILLICIT CIGARETTES IN BULACAN
PRO12’S INTENSIFIED OPERATIONS SEND TO JAIL 7 DRUG TARGETS
PRO3 WEEKLONG OPERATIONS NET 27 SUSPECTS, P4.9-M SMUGGLED CIGARETTES