NAKATAKDANG maglunsad ang flag carrier Philippine Airlines (PAL) ng direct Cebu-Laoag flights simula sa Disyembre 15.
Walumpu’t anim na eroplano ang gagamitin ng PAL para sa dalawang beses kada linggo nilang operasyon.
Ang Flight PR 2251 ay aalis ng Cebu kada Martes at Biyernes sa ganap na alas-7:35 ng umaga habang ang flight PR 2252 ay lilisan naman ng Laoag sa ganap na alas 10:25 ng umaga sa katulad na mga araw.
“We welcome the holiday season with a historic air link between Cebu and Laoag City. This brand-new service will help us open up a new market for tourist and business travelers by connecting the Ilocos Region via nonstop flights to Cebu, and beyond to other cities in the Visayas and Mindanao,” ani PAL president Stanley Ng.
Marami pa aniyang biyahe mula at patungong Cebu ang parating sa mga susunod na buwan.
Una nang inihayag ng PAL na muli itong magbubukas ng daily flights sa Cebu at General Santos City umpisa sa Disyembre 15.
Muli rin itong magbabalik operasyon sa tatlo kada linggong biyahe sa Cebu at Ozamis City mula Disyembre 16.
Sa kasalukuyan, apat na beses kada linggong bumibiyahe ang eroplano ng PAL sa rutang Cebu-Baguio.

MOST WANTED FOR CHILD ABUSE IN TARLAC NABBED
2 PRO3 SENIOR OFFICERS GET HIGHER RANK
ILLEGAL GAMBLING CRACKDOWN JAILS 7 IN TARLAC
CL COPS ARREST 19, SEIZE P100-M ILLICIT CIGARETTES IN BULACAN
PRO12’S INTENSIFIED OPERATIONS SEND TO JAIL 7 DRUG TARGETS
PRO3 WEEKLONG OPERATIONS NET 27 SUSPECTS, P4.9-M SMUGGLED CIGARETTES