Miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity
SINAMPAHAN na ng kaso ng Quezon City Police District (QCPD) and apat na miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity kaugnay ng pagkamatay ng 25-anyos na si Aldryn Leary Bravante, isang fourth-year student sa Philippine College of Criminology, dahil sa hazing noong Oktubre 16.
Ayon sa pahayag nitong Huwebes ni QCPD Director Brig. Gen. Redrico Maranan, ang mga suspect na sina Justin Artates, Mark Leo Andales, Kyle Michael de Castro, at Lexer Angelo Manarpies ay ipinagharap ng kasong paglabag sa Republic Act 11053 o ang Anti-Hazing Act of 2018 sa Quezon City Prosecutor’s Office noong Miyerkules.
Sinabi ni Maranan na sina Artates at Castro ay nagbigay ng kanilang extrajudicial confession sa pamamagitan ng kanilang abogadong si Melvin Bughao.
Ibinunyag din ng dalawa ang mga pangalan ng iba pa nilang mga kasama sa fraternity at ang address ng mga ito.
Samantala, dalawa pang suspect sa pagkamatay ni Bravante ang sumuko na rin sa mga awtoridad.
Kasama ang kanyang tiyahin, si John Arvin Kaylle Diocena, 23, ay sumurender sa QCPD ganap na alas- 10:50 ng umaga Huwebes.
Si Diocena, residente ng Bgy. Tatalon, Quezon City,ay kabilang sa mga miyembro ng frat na “ikinanta” nina Artates at de Castro.
Ganap na alas-5 ng hapon Miyerkules, kasama ang kanyang mga magulang, isa pang suspect na si John Xavier Arcosa, 18-anyos, ay sumuko rin sa QCPD Police Station 1.
Ang dalawa ay nasa kustodiya ngayon ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD..
Nanawagan ang pulisya, partikular sa 11 pinangalanang sangkot sa pagkamatay ni Bravante, na sumuko na upang mabigyang-hustisya ang pagkamatay ng biktima.
Sinabi ni Maranan na hindi titigil ang kapulisan hangga’t hindi napapanagot ang lahat ng sangkot sa nasabing krimen.
Si Bravante, residente ng Imus, Cavite, ay isinugod nina Artates at de Castro sa ospital ganap na alas-7 ng gabi noong Oktubre 16 matapos umanong mawalan ng malay makaraang sumailalim sa hazing ng Tau Gamma Phi fraternity sa isang abandonadong gusali sa Quezon City.
Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima.
Sa eksaminasyon sa katawan ni Bravante, kinakitaan ito ng hematoma sa dalawang hita at marka ng sigarilyo sa dibdib at mga kamay, mga palatandaan na sumailalim ito sa hazing.

PUBLIC WARNED VS ‘BIRTHDAY CAKE MODUS’
MUNTINLUPA FORMER COUNCILOR KILLED IN PLANE CRASH
NBI DISMANTLES ILLEGAL MAKATI CLINIC
MISSING GRADE 9 FEMALE STUDENT FOUND DEAD IN PASIG CITY
P1-B WORTH OF ILLICIT VAPE PRODUCTS SEIZED IN NAVOTAS
NBI ARRESTS FAKE NOTARY PUBLIC IN LAS PIÑAS STING
CHIZ: USE 14B WINDFALL FROM VAT ON FUEL FOR AYUDA
NEGROS COPS’ 1-DAY OPERATION NETS P55.8-M ILLICIT CIGARETTES
MOST WANTED FOR CHILD ABUSE IN TARLAC NABBED
2 PRO3 SENIOR OFFICERS GET HIGHER RANK