INILAGAY ng provincial government sa ilalim ng state of calamity ang Northern Samar bunsod ng matinding pagbaha na naranasan ng lalawigan itong mga nagdaang araw.
Ang deklarasyon ng state of calamity ay base na rin sa naging rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).
Inaprubahan nitong Martes ng Sangguniang Panlalawigan sa isang hybrid special session ang rekomendasyon ng PDRRMC makaraang 18 bayan ang iniulat na nalubog sa baha.
Ayon sa resolusyon, 70 porsiyento ng populasyon ng lalawigan na katumbas ng 74,500 pamilya o 370,000 indiibidwal mula sa 24 na bayan sa lalawigan ang naapektuhan ng pagbaha.
Sa ilalim ng state of calamity, maaari nang gamitin ng provincial government and kanilang pondo sa pagpapatupad ng mga hakbang upang matugunan ang matinding naging epekto ng pagbaha at mabigyan ng kaukulang tulong ang mga apektadong komunidad.
Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DWSD), kabilang sa mga bayang nalubog sa baha ay ang Catarman, Catubig, Gamay, Lapinig, Las Navas, Lope de Vega, Mapanas, Mondragon, Pambujan, Rosario, San Roque, Victoria, at Lavezares.
Sa ulat naman ng Philippine National Police, kabilang sa mga binahang munisipalidad ang Palapag, Laoang, at Bobon.
Apektado rin ng pagbaha ang dalawang island municipalities ng Northern Samar – ang Capul at Biri.
Bukod sa Northern Samar, ang bayan ng Jipapad sa lalawigan ng Eastern Samar ay isinailalim din sa state of calamity makaraang 13 barangay sa nasabing bayan ang nalubog sa tubig baha mula pa noong Nobyembre 20 bunsod ng matinding pag-ulan.
Inilarawan ng mga awtoridad sa Samar sa isang buwang pag-ulan ang 24 oras lamang na naging pag-ulan noong Lunes hanggang Martes na nagdulot ng napakataas at malawakang pagbaha sa maraming bayan sa lalawigan na dulot ng shear line.
“Ramdam na ramdam ang impact ng binuhos lalo na ‘yung kahapon dahil maraming nabigla. Ito ang worst in recent memory sa aming probinsya. 95% ng mga barangay ay binaha,” pahayag ni Northern Samar PDRRMO chief Rei Joshia Echano.

STL BOOKIE OPERATOR ARRESTED WHILE COLLECTING BETS AT TARLAC PUBLIC MARKET
PNP-CIDG, NBI FAIL TO FIND ICC-WANTED DELA ROSA IN ANGELES CITY
OVER 200 WANTED MEN JAILED IN WEEKLONG INTENSIFIED ANTI-CRIME OPERATIONS IN CENTRAL LUZON
9-STOREY BUILDING IN ANGELES COLLAPSES; MALAYSIAN DEAD, 23 MISSING
FIRE LEAVES ELDERLY COUPLE DEAD IN BULACAN
VEHICLE STOPPED AT LUBAO CHECKPOINT YIELDS ILLEGAL CIGARETTES
GAWAD KALINGA FOUNDER ARRESTED
P841-M FAKE PERFUMES, LOTIONS SEIZED IN VALENZUELA
BLUE RIBBON COMMITTEE TO RESUME FLOOD CONTROL PROBE ON JUNE 4 – CAYETANO