INARESTO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Cetral Visayas (NBI-7) ang isang ina sa bayan ng Pinamungajan sa Cebu na inakusang ibinibugaw ang kanyang mga sariling anak.
Kinilala ang naaresto na si Charissa Labajo, 31-anyos.
Si Labajo ay dinakip ng NBI agents noong Pebrero 1 sa kanyang tahanan sa Sitio Bulubugan, Bgy. Tajao, Pinamungajan.
Armado ang mga operatiba ng warrant to search, seize and examine computer data nang isagawa ang raid.
Ang pag-aresto sa suspect ay matapos ipagbigay alam ng Homeland Security Investigation Office (US Homeland) sa NBI ang paghuli sa isa nilang “foreign client.”
“It was in November when the request from Homeland came after they arrested a suspect and they traced back to Cebu,” ani agent-on-case Maria Contessa Lastimoso.
Bahagyang nahirapan ang mga awtoridad na masakote ang suspect dahil paiba-iba umano ang ginagamit nitong address sa pakikipagtransaksiyon sa kanyang mga kliyente hanggang sa matunton ang kinaroroonan nito gamit ang global positioning system.
Ayon kay Lastimoso, gumagamit ang suspect ng Facebook, WhatsApp, at Skype, at naniningil ng $50 o tinataya sa P2,500 kada “sexual act” online.
Batay sa ulat, ang suspect ay “high-volume producer at seller ng child sexual abuse at exploitation materials at sangkot sa online child sexual abuse at exploitation.”
Na-rescue naman ng mga awtoridad ang 8-anyos na anak na babae at 12-anyos na anak na lalaki ng suspect maging ang 15-anyos umanong pamangkin ng lesbian nitong partner.
Ang mga nasagip ay nasa pangangalaga ngayon ng mga local social worker.
Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 (Child Pornography), RA 11930 o Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act (Anti-OSAEC & Anti-CSAEM Act), RA 9208 na inamyendahan sa pamamagitan ng RA 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Person Act of 2012, at RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act ang nasakoteng ina.

5 GRADE SCHOOL PUPILS DROWN IN POND IN MARAWI
‘PAIHI GANG’ BUSTED IN AGUSAN
3 GOLD BUYERS LOSE P3.3-M TO ROBBERS IN TARLAC
LPG TANK EXPLOSION LEAVES 2 DEAD IN CAVITE
‘SAFER CITIES’ DRIVE RESULTS IN NEARLY 49% DROP IN CRIMES IN CENTRAL LUZON — PRO3 TOP COP
NEGROS COPS’ 1-DAY OPERATION NETS P55.8-M ILLICIT CIGARETTES
LGU’S RECEIVE BENGUET VEGGIES