HINDI sinusuportahan ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng injectable glutathione para pampaputi ng balat.
Ayon sa pahayag ng DOH nitong Sabado, ang injectable glutathione ay inaprubahan lamang ng Food and Drug Administration (FDA) sa bansa bilang panggamot sa cisplatin chemotherapy.
Anang DOH, walang inaprubahan ang FDA na aumang itinuturok na produko para sa pagpapaputi ng balat.
Ang cisplatin ay isang antineoplastic agent bilang panggamot sa advanced stage ng cancer sa pantog, obaryo o ari ng lalaki.
Sa isang pahayag, iginiit ng DOH ang FDA Circular 2019-182, kung saan isinasaad na walang nalathalang clinical trials na inaral ang paggamit ng itinuturok na glutathione para sa pagpapaputi ng balat.
Wala rin umanong anumang nalathalang panuntuan kung gaano karami ang kailangang dose at kung gaano katagal ang gamutan.
Ayon sa FDA, ang injectable glutathione kung minsan ay ipinapares sa intravenous Vitamin C, kung saan inilalagay ang isang tao sa panganib nna magkaroon ng kidney stones kung ang ihi nito ay acidic.
Nagbabala ang FDA na kabilang sa side effects ng paggamit ng itinuturok na gluta para pampaputi ay ang problema sa atay, kidney at nervous system, bukod pa ang posibilidad ng pagkakaroon ng Stevens Johnson Syndrome, isang ‘di pangkaraniwan at seryosong problema sa balat na kabilang sa mga sintomas ay pagkakaroon ng rashes, diskolorasyon at mga paltos sa balat.
“Given that glutathione affects the production melanin (the pigment that gives the human skin, hair and eyes their color), there are theoretical concerns about the long term skin cancer risk,” anang FDA.

JINGGOY ESTRADA SURRENDERS TO CIDG
SANDIGANBAYAN ORDERS ARREST OF JINGGOY ESTRADA, BONOAN
PNP-CIDG, NBI FAIL TO FIND ICC-WANTED DELA ROSA IN ANGELES CITY
WALK OUT
9-STOREY BUILDING IN ANGELES COLLAPSES; MALAYSIAN DEAD, 23 MISSING
NO EBOLA CASE IN PH – DOH
GAWAD KALINGA FOUNDER ARRESTED
STL BOOKIE OPERATOR ARRESTED WHILE COLLECTING BETS AT TARLAC PUBLIC MARKET
P841-M FAKE PERFUMES, LOTIONS SEIZED IN VALENZUELA