APAT na Pilipino ang nasugatan makaraang pagtulungang bombahin ng tubig ng dalawang China Coast and maliit na sasakyang pandagat ng Pilipinas na patungo sa isang resupply mission sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea noong Martes.
Ang apat na Pilipino ay lulan ng Unaizah May 4, isa sa dalawang civilian vessels ng Philippine Navy na naatasang magdala ng supply sa BRP Sierra Madre na isang World War II vessel na nagsisilbing military outpost ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.
Ayon sa National Task Force for the West Philippine Sea, dalawang barko ng China ang gumamit ng water cannons laban sa Unaizah Mae 4.
Dahil sa pangyayari, nawasak ang wind shield ng bangka at nasugatan ang apat sa mga Pilipinong sakay nito.
Ayon sa Task Force, muling nagpakita ng paninindak ang China at gumamit pa ng mapanganib na maniobra laban sa lehitimo at routine na resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin.
Sinabi ng task force na ang pangyayari ay nagdulot ng panganib sa buhay ng mga Pilipinong sakay ng resupply vessel.
Agad namang ginamot ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga sugatan nitong tauhan sa BRP Sindangan na nakaranas din ng panghaharass ng CCG.
Bago ang pambobomba ng tubig, ginitgit at binangga ng CCG vessel 21555 ang BRP dahilan para bahagyang masira ito.
“Throughout the operation, the PCG vessels faced dangerous maneuvers and blocking from Chinese Coast Guard vessels and Chinese Maritime Militia. Their reckless and illegal actions led to a collision between MRRV-4407 and China Coast Guard 21555 that resulted to minor structural damage to the PCG vessel,” ani PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela sa isang post sa X (dating Twitter) nitong Martes, Marso 4.
Sa isang footage na ipinost ni Tarriela sa X, makikita ang dalawang coast guard ships na nagbungguan at ang PCG personnel na nagkukumahog maglagay ng barrier sa pagitan ng dalawang barko habang nakatingin lamang ng CCG.
Dalawang PCG ships, ang BRP Sindangan at BRP Cabra, ay ipinadala para escortan ang civilian ships na maghahatid ng mga supply sa BRP Sierra Madre.
Ayon naman kay Philippine Navy spokesperson Commodore Vincent Trinidad, tagumpay na nakalusot ang Unaizah May 1 sa panghaharang ng China at nagawang makapaghatid ng mga supply sa BRP Sierra Madre.

INTERPOL ISSUES RED NOTICE VS ATONG ANG
ZALDY CO ARRESTED IN PRAGUE, CZECH REPUBLIC
CHIZ: USE 14B WINDFALL FROM VAT ON FUEL FOR AYUDA
PCO FILES COMPLAINTS VS 3 FB ACCOUNTS OVER FALSE CLAIMS ON PRESIDENT MARCOS’ HEALTH
GOV’T LAUNCHES TUPAD TULOY PASADA PROGRAM TO SUPPORT TRANSPORT WORKERS
PALACE STUDIES PROPOSAL TO SUSPEND PENSION PREMIUM CONTRIBUTIONS
NEGROS COPS’ 1-DAY OPERATION NETS P55.8-M ILLICIT CIGARETTES