Ang grupo ng mga Quezon Quarry Operators (QQO) sa isang meeting na ipinatawag ni Provincial Mining Regulatory Board chief, Engr. Rommel Sarmiento (naka itim, gitna) noong Hulyo. Kasama ng grupo ang kanilang pangulo na si G. Rafael Tantuco (ika 8 mula sa kaliwa).
NI LEIZIEL AMPELOQUIO
LUCENA CITY – Muling nanawagan ang grupo ng Quezon Quarry Operators (QQO) sa pamahalaang panlalawigan ng Quezon at pamahalaang pambayan ng Sariaya upang muli silang pahintulutan na makapag- operate matapos ang pitong buwan na paghinto ng kanilang operasyon.
Ang QQP ay samahan ng mga lehitimong quarry operators sa bayan ng Sariaya na itinatag noong 1998.
Ito ay binubuo ng 43 miyembro na pinamumunuan ng kanilang pangulo na si Ginoong Rafael Tantuco, ngunit 27 lamang sa mga ito ang may mga aktibong permits to operate.
Matatandaan na huminto ang kanilang operasyon noong nakalipas na April 29 makaraang si Gov. Angelina “Doktora Helen” Tan ay maglabas ng Moratorium sa pamamagitan ng isang Executive Order.
Ginawa ng gobernador ang hakbang matapos na si Sariaya Mayor Marcelo Gayeta ay manawagan na ipatigil ang lahat ng quarry operation sa kanyang bayan sa pamamagitan ng isang petition letter na pinalagdaan sa kanyang mga kababayan.
Kaagad namang tumalima sa kautusan ang mga kasapi ng QQP at mabilis na itinigil ang kanilang operasyon.
Kasabay ng kanyang kautusan,
hiniling ng gobernador kay Mayor Gayeta na i-review nito ang lahat ng business permits sa quarry operation na iniisyu nito upang bigyang daan ang isang komprehensibong pag- aaral at pagbibigay ng proteksiyon sa lahat ng likas-yaman sa Sariaya lalo doon sa mga malapit sa protected areas ng Mt. Banahaw.
Sa panig ng mga pinatigil na quarry operators, ang mga ito ay nanawagan kina Gov. Tan at Mayor Gayeta na muli silang payagan na makapag- operate dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:
1. Nakakatulong ang kanilang operasyon sa pagsasaayos ng mga daang tubig sa mga kailugan upang maiwasan ang mga pagbaha sa panahon na may bagyo at tag-ulan dahil hindi na gagastos ang gobyerno sa pagsasagawa ng mga flood control projects.
2. Marami ang nawalan ng hanapbuhay, mula sa mga quarry operators, equipmemt operators, drivers, mga nag- iipon ng bato, at maging sa mga nagtatrabaho sa crushing plants at construction sites. Sila ay nawalan ng pangtustos sa pang araw- araw na pagkain, gamot at mga gastusin kabilang na ang pambaon ng mga anak nilang nag- aaral.
3. Nakapag- aambag ng malaking halaga ng buwis sa pamahalaang pambayan ng Sariaya at pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang mga ipinatigil na quarry operators.
4. Ang paghinto ng kanilang operasyon ay nagdulot ng malaking kakulangan sa supply ng aggregates para sa mga gumagawa ng mga kalsada, gusali at bahay.
5. Ang grupo ay malaon nang tumalima sa mga kautusan na iniatas ng Provincial Mining Regulatory Board bilang kondisyon upang muli silang makapag- operate.
Umaasa umano ang samahan na ang kanilang kahilingan ay mapagbibigyan alang-alang man lang sa sasapit na Kapaskuhan at Bagong Taon kung kailan nararanasan ng lahat ang mas marami at mas malaking kagastusan.

5 GRADE SCHOOL PUPILS DROWN IN POND IN MARAWI
‘PAIHI GANG’ BUSTED IN AGUSAN
3 GOLD BUYERS LOSE P3.3-M TO ROBBERS IN TARLAC
LPG TANK EXPLOSION LEAVES 2 DEAD IN CAVITE
‘SAFER CITIES’ DRIVE RESULTS IN NEARLY 49% DROP IN CRIMES IN CENTRAL LUZON — PRO3 TOP COP
NEGROS COPS’ 1-DAY OPERATION NETS P55.8-M ILLICIT CIGARETTES
LGU’S RECEIVE BENGUET VEGGIES