NI KEVIN GALANG
TRAHEDYA ang sinapit ng apat na bata makaraang maararo ng isang dump truck ang kanilang sinasakyang “kolong-kolong” sa Porac, Pampanga noong Huwebes.
Ayon sa ulat ng Porac police kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., ang mga nasawi ay may edad 2, 6, 8 at 10.
Base sa imbestigasyon, sakay ang mga bata sa “kolong-kolong” na minamaneho ng kanilang amang si Edmund Canlapan Escoto patungo sa direksiyon ng bayan ng Porac nang pagsapit sa Porac-Angeles Road ay nabangga sila ng forward truck na minamaneho ni Rodrigo Palma Jr..
Dahil sa lakas ng pagkakabangga, napunta ang “kolong-kolong” sa kabilang linya at naararo ng paparating na dump truck na minamaneho naman ni Alfie Ignacio.
Namatay noon din ang apat na bata dahil sa tindi ng tinamong mga pinsala sa katawan.
Ang ama ng mga ito ay isinugod naman sa pinakamalapit na ospital para malapatan ng kaukulang lunas sa mga sugat na tinamo.
Ang driver na si Palma Jr. ay sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide at physical injury dahil sa pangyayari.

5 GRADE SCHOOL PUPILS DROWN IN POND IN MARAWI
‘PAIHI GANG’ BUSTED IN AGUSAN
3 GOLD BUYERS LOSE P3.3-M TO ROBBERS IN TARLAC
LPG TANK EXPLOSION LEAVES 2 DEAD IN CAVITE
‘SAFER CITIES’ DRIVE RESULTS IN NEARLY 49% DROP IN CRIMES IN CENTRAL LUZON — PRO3 TOP COP
NEGROS COPS’ 1-DAY OPERATION NETS P55.8-M ILLICIT CIGARETTES
LGU’S RECEIVE BENGUET VEGGIES